NAHULI ng pulisya nitong Martes ang dalawang “high-value” target sa isang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga.
Kinilala ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang mga suspek na sina Mark Ryan Mercado alyas “Bakla,” 44, ng SMDC, Bgy. Bundagul, at Tyron Dizon alyas “Ron,” 29, construction worker at residente ng Bgy. Dau, kapwa sa Mabalacat City.
Nagsagawa ng entrapment ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Mabalacat PNP sa SMDC Subd. sa Bgy. Bundagul na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakuha mula sa dalawa ang 17 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P115,600.
Nakakulong ngayon ang mga naarestong suspek sa Mabalacat City police jail facility na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.