ISINUGOD sa pagamutan ang nasa 71 estudyante at guro sa Mariano Marcos State University (MMSU)sa Ilocos Norte dahil sa umano’y food poisoning noong weekend.
Ang mga biktima ay 59 na estudyante at 12 guro sa state-run university.
Sinabi ni MMSU director ng strategic communication office na si Herdy Yumul sa Philippine News Agency nitong Martes nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagdumi ang mga biktima matapos kumain ng chicken afritada at string beans adobo na inorder nila sa labas ng paaralan.
Sinabi ni Yumul na galing ang mga biktima sa isang practice para sa University Games na nakatakdang sa Nobyembre 11 hanggang 15 nang mangyari ang insidente.
Sinabi ng pamunuan ng MMSU na ang food service at auxiliary concessionaires ng unibersidad ay walang kinalaman sa insidente.
“Ang kaligtasan at kagalingan ng aming komunidad sa unibersidad ay ang pinakamahalagang priyoridad, at sineseryoso namin ang bagay na ito,” sabi ng paaralan, sa isang post sa Facebook.
Sa isang pahayag na inilabas noong Martes (Nob. 5, 2024), sinabi ng unibersidad ng estado na ang mga pinahusay na hakbang sa kaligtasan ng pagkain para sa mga pagkaing inihanda sa labas ng unibersidad ay ipapatupad upang matiyak na walang katulad na insidente na mangyayari muli sa hinaharap.