NATIMBOG ng pulisya noong Biyernes ang isang truck driver na itinuring na “high-value” drug target sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga.
Sinabi ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal na naaresto ang suspek na si Renz Oliver Fernando, 26, driver ng trak na naninirahan sa Bgy. Bulaon, Purok 4, City of San Fernando, Pampanga.
Ang anti-illegal drug operation na isinagawa ng mga miyembro ng Provincial Drug Enforcement Unit, Pampanga police at Sto. Tomas police, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 ay nakumpiska rin ang nasa 31 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P210,800.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.