
NATAGPUAN ang mga matataas na kalibre ng armas ng mga teroristang miyembro ng New Peoples Army nitong Huwebes ng umaga sa Labo, Camarines Norte ng pinagsanib na tropa ng Army’s 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division (2ID) at Philippine National Police (PNP) .
Agad na nagsagawa ng search operations ang pinagsamang elemento ng 16th Infantry Battalion (16IB) at Labo Municipal Police Office (LMPO) sa naturang lugar matapos ibunyag ng ilang residente ng Brgy. Exciban na sa kanilang lugar itinatago ang mga baril ng mga NPA.
Nahukay ang dalawang cal. 30 machine gun, apat na M16 rifles, dalawang M14 rifles, dalawang M203 grenade launcher, 200 rounds ng bala, isang improvised anti-personnel explosive device, 22 hand grenades, isang roll ng detonating cord, at 10 magazine.
Agad na nagpasalamat naman si Major General Cerilo Balaoro Jr., ang 2ID commander, sa mga taga-Brgy. Exciban sa patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa adbokasiya ng pamahalaan sa kapayapaan.