
NALUNOD ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Linggo habang lumalangoy sa isang beach resort sa Bgy. Nagbalayong, Morong, Bataan.
Natukoy ang biktima na si Arman Ballesteros, 43, residente ng Hermosa, Bataan.
Isang babaeng testigo ang nakapagsabi na namamasyal siya sa baybayin ng beach resort nang makita niyang tumatakbo ang biktima bago sumisid sa tubig dagat.
Makalipas ang ilang minuto, napansin ng saksi na nabigo ang biktima na muling umahon mula sa tubig kaya naman agad siyang humingi ng tulong.
Natagpuan ng mga rumespondeng beach personnel ang biktima na lumulutang sa kalapit na lugar.
Agad namang isinugod sa Morong Rural Health Unit ang biktima ngunit idineklara itong dead on arriva ng attending physician.