
SUGATAN ang anin na kata kabilang ang isang batang lalaki noong Huwebes ng gabi nang gumuho ang bagong bukas na tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Cabagan at Santa Maria sa Isabela.
Ayon sa Cabagan Rescue Team 911, lima sa mga biktima ang nagtamo ng minor injuries at ginagamot sa Milagros Albano District Hospital sa munisipyo.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at katawan ang pang-anim na biktima, isang batang lalaki, at isinugod sa Cagayan Valley Medical Center.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nakita ang apat na sasakyan — dalawang sports utility vehicle, isang motorsiklo at isang dump truck na may kargang mga bato — ang tumatawid sa tulay nang mangyari ang insidente alas-8 ng gabi, noong Huwebes.
Ang mga sasakyan at ang mga sakay ay nahulog sa mababaw na ilog sa ibaba.
Dinala ng mga rumespondeng pulis at emergency team ang mga biktima sa ospital para gamutin.
Ang trapiko ay inilipat sa mga alternatibong kalsada upang maiwasan ang pagsisikip.
Kasunod ng pagbagsak, hindi na natagpuan ang driver ng dump truck at ang kanyang helper.
Nabatid na tanging mga magaan na sasakyan lamang ang pinapayagang tumawid sa bagong bukas na tulay.
Iniimbestigahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagguho ng tulay