
TULUYAN nang ibinasura ng 1st Division ng Commission on Elections(Comelec) ang isa pang disqualification case ni ACT -CIS Partylist Representative at tumatakbong senador na si Erwin Tulfo kaugnay sa isinampa naman ng isang Berteni Causing .
Sa inilabas na opisyal na pahayag ni Tulfo aniya, “Lubos ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa kanyang patuloy na paggabay sa kanyang mga pagsubok.”
“Nagpapasalamat rin ako sa aking legal team sa pangunguna ni Atty. Karen Jimeno, dahil sa walang kapagurang pag-asikaso na maitawid ang aking laban sa mga balakid na dinaraanan.”
“Higit sa lahat ay lubos ang kanyang pasasalamat sa patuloy na tiwala at suporta ng ating mga kababayan” , ani ni Tulfo.
“Ang desisyon ng COMELEC ay muling nagpapatunay ng mariin nitong pagbabantay para sa isang tapat, patas at may integridad na pagpapatupad ng mga batas hinggil sa halalan”, dagdag pa ni Tulfo.
Ang pagbasura ng Comelec sa petisyon ni Causing ay kasunod ng pagbasura rin sa naunang disqualification case na inihain noon ng isang Virgilio Garcia.