
PATAY ang isang Biology student at beauty queen nitong Huwebes sa sunog na tumama sa Laguna State Polytechnic University College of Arts and Sciences sa Bgy. Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.
Kinilala ang biktima na si Trisha Macalagay, opisyal ng Supreme Student Council, at Miss Paete Tourism noong 2022.
Natagpuan ang kanyang bangkay sa comfort room sa panahon ng clearing operations.
Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa laboratory room ng College of Arts and Sciences alas-12:43 ng tanghali. noong Huwebes.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero. Napigilan nila ang apoy bago mag-7.pm..
Inaalam pa ng mga opisyal ang sanhi ng sunog.