
NATIMBOG ng pulisya noong Sabado ang isang most wanted sa Apalit, Pampanga.
Sa ulat kay Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, kinilala ni Apalit police chief Lt. Col. German Pascua ll ang suspek na si alyas “Sadik/Saido,” 52, isang pintor ng kotse na naninirahan sa Bgy. San Vicente sa Apalit.
Nahuli ang suspek sa isang operasyon sa Pulung Cawayan, Bgy. Sulipan sa bayan ng Apalit.
Inaresto ng mga miyembro ng Apalit police ang suspek batay sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court Third Judicial Region, Branch 55 ng Macabebe, Pampanga dahil sa non-bailable statutory rape at statutory acts of lasciviousness.
Nakakulong ngayon ang suspek sa Apalit police detention facility.