
TINATAYANG 10,00 katao at tag-suporta ang inaaasahang dadagsa sa Grand rally ng kumakandidato sa pagka gobernadora sa lalawigan ng Laguna na si Sol Aragones ngayong araw ng Sabado, Mayo 3 sa Plaza ng San Pablo City ngayong hapon.
Dadaluhan ito ng mga kilalang personalidad at senador sa larangan ng pulitika na tatakbong rin ngayong Mid-term elections 2025 na gaganapin sa Mayo 12.
Kasama ni Aragones ang kanyang ka- team na tumatakbong bise- gobernadora na si Peewee Perez at ang 141 Akay ni Sol Partylist na suot ang kulay pulang pang itaas upang ipakita ang pwersa at suporta sa grupo.
Batay sa huling survey sa lalawigan , si Aragones ang nangungunang kandidato sa pagka-gobernador ng Laguna.