DAHIL sa walang-tigil na pagtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo, muling nanawagan ang isang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng isang special session sa hangaring amyendahan ang oil deregulation law.
Ayon kay House committee on economic affairs chairperson Rep. Sharon Garin, higit na angkop na matalupan ang aktuwal na halagang ginagastos ng mga kumpanya ng langis at ilahad ang paraan ng pagkukwenta ng kita sa kada litro ng mga produktong petrolyong ibinebenta sa merkado.
“If and when, the House convenes a special session, there should be a review on the unbundling of the oil prices,” giit ni Garin sa direktibang inilabas ng Department of Energy (DOE) na humihimok sa mga oil industry players na isapubliko ang mga datos ng gastusin, kita at pricing system na gamit sa pagtatakda ng presyo ng krudo, gasolina at kerosene.
Taliwas naman sa inaasahan, tinutulan ng mga kumpanya ng langis ang naturang direktiba.
Katwiran ng mga kapitalista sa likod ng industriya ng langis, walang batas na pwedeng mamwersa sa kanila ilabas ang datos ng kanilang pinansya.
Ayon naman kay Garin, dapat masiguro ang tinatawag na “minimum inventory requirements” na ipinanukala ng DOE sa hangaring maiwasan ang kakulangan ng suplay ng langis sa bansa.
Bukod sa opil deregulation law, dapat rin aniyang matalakay ang panukalang suspensyon sa ipinatutupad ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa bilang paunang hakbang laban epekto ng lingguhang dagdag-presyo sa langis, bunsod na rin ng hidwaan sa pagitan ng dalawang oil producing countries – ang Russia at Ukraine. “Even if we have enough supply for the next 40 days, the rising cost of oil prices will surely warrant the suspension of certain taxes so we can give relief to the affected sectors,”