
IDENEKLARA na ng Department of Agriculture (DA) magyong araw ang buong Western Visayas Region na bird-flu free pagkatapos ng isang masusing surveillance and negative test results testing na isinagawa kumakailan ng Bureau of Animal Industry sa lahat ng probinsiya na tinaguriang high-risk areas.
Ayon sa memorandum na nilagdaan noong May 5, 2025, inanunsiyo ng DA ang temporary waiver of bird flu testing requirements para sa paglabas ng mga live poultry products -di kasama ang mga pato- mula sa anim na probinsiya kasama ang Negros Occidental.
Ang waiver ay magiging epektibo hanggang July 15, 2025.
Ang tinatawag na Highly Pathogenic Avian Influenza o bird flu sa rehiyon ay unang natuklasan sa Capiz noong December 2022 at ito ay naresolba noong July 4, 2023 at nabigyan ng bird flu-free status ang probinsya.
Ang Western Visayas Region ay binubuo ng mga probinsya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, and Negros Occidental.
Bagama’s bird-flu na ang rehiyon ay patuloy pa rin ang DA kasama ang mga provincial offices nito sa kanilang monitoring at surveillance upang masiguro na ito ay disease-free.
Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng DA sa pakiisama ng mga poultry raisers, industry partners, at frontline personnel upang mapanatili ang bird flu-free status ng rehiyon.