
ISANG construction worker ang nakaligtas nang pagbabarilin sa Angeles City, Pampanga noong Sabado.
Kinilala ng Angles City Police ang biktimang si Reynaldo Aquino, 35, residente ng Bgy. AMSIC, Angeles City.
Base sa natanggap na impormasyon ng pulisya sinabi ng mga saksi na ang biktima ay binaril ng mga suspek na kinilala lamang sa pangalang alyas “Carlo” at alyas “Niknok,” ng Bgy. Amsic, at Bgy. Agapito del Rosario, Angeles City.
Mabilis na nakatakas ang mga armadong lalaki matapos ang pamamaril.
Agad namang isinugod ng mga kapatid ng biktima sa JBL Memorial Medical Center para magamot.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng cal.45 pistol.
Sa ngayon ay tinutugis na ng pulisya ang mga suspek.