May iba na namang reality show na mapapanood sa TV pagkatapos ng eleksyon. Eto ang “Ang Balay ni Lola” na inihahandog para sa LGBTQ community.
Ang mga boarders or housemates dito ay mga iba’t ibang klase ng beki sa buong bansa kasama na ang mg Pilipinong Beki na naninirahan sa ibang bansa. Eto ay handog ng OzyPinoy Productions na nakabase sa Perth, Australia na minamahala ni Mr. Art Soriano na organizer na rin ng mga concerts sa Land Down Under. Ang napiling director sa reality show na eto ay ang multi-awarded na director na si Romm Burlat.
Kahit unang reality show ito ni Burlat pero confident daw syang madirek ito ng maayos dahil marami na siyang karanasan sa entertainment sa ganitong klase sa iba’t ibang bansa na napuntahan niya bilang isang Cruise at Entertainment Director.
Si Direk Romm na kauna unahang Cruise Director sa cruise ships. Marami na rin siyang nadirek na concerts at shows sa mga kilalang Hollywood stars.
Kabilang nito ang Air Supply, Earth, Wind & Fire at marami pang iba.Ang hosts ng reality show na ito ay sina Mel Martinez at Toni Co. Co-hosts naman sina Zara Lopez at Sabrina M. Si Mel ay kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano at ito ay isa ring artista at produkto ng reality show. Si Toni ay datihang artista na.
Si Zara naman ay miembro ng Viva Hot Babe na isa na ring TikTok influencer. Samantalang si Sabrina ay isang sikat na sexy star noong 90s. Sa mga beking interesadong mag audition, gumawa kayo ng intro video tungkol sa sarili nyo at esubmit ito sa admin@ozpinoy.co.au