AGAD na itinaas Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) sa Alert Level 3 status ang Bulkang Taal ngayong araw matapos maitala ang pagputok nito kaninang alas 8 ng umaga ,Marso 26.
Inabisuhan ng ahensiya ang paglikas ng mga residenteng nasa loob ng 5 kilometrong radius mula sa bulkan dahil sa pagbuga ng plumes na umabot sa 1500metro.
Pinalilikas na rin ang nasa high risk na nasa Taal Volcano Island TVI kabilang ang ilang barangay ng Bilibinwang at Banyaga,Agoncillo at Boso-boso,Gulod at Eastern Bugaan East sa bayan ng Laurel ,Batangas dahil sa posibleng dulot ng ibinubugang pyroclastic density .
Maaari rin ang pagkakaroon ng tsunami dahil sa malakas na paglindol sa nasabing lugar.
Hindi pa rin pinapayagan ang publiko sa pagpasok sa Permanent Danger Zone PDZ .
Mahigpit na pinagbabawalan rin ang lahat ng aktibidades sa Taal Lake.
PInapaalalahanan ang lahat na maging bigilante sa lahat ng oras dahil sa posibleng pagbuga ng abo nito. Bawal pa rin ang Civil aviation authorities ang pagpapalipad ng eroplano dahil sa maaring tamaan ng mga pyroclastic mula sa bunganga ng bulkan.