ITINIGIL pansamantala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alokasyon sa fuel subsidy sa public utility vehicle (PUV) driver at operator dahil sa election public spending ban.
Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na nasa 110,200 PUV beneficiaries ang nakatanggap na ng subsidy hanggang March 29.
Mayroon pang 22,000 taxi at UV Express beneficiaries ang sumasailalim sa balidasyon ng mga dokumento.
Magsagawa naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng pagbibigay ng subsidiya sa may 27,000 delivery services.
Para sa mga tricycle drivers, sinabi ng LTFRB na hinihintay pa rin ang listahan ng beneficiaries mula sa Department of the Interior and Local Government.