
ILANG araw na lang ilalabas na ng Supreme Court (SC) ang resulta ng mga kumuha ng bar examination noong Pebrero.
Sinabi ni Committee chairperson 2020-21 Bar examination Justice Marvic Leonen nitong Martes , magsasagawa ng special en banc session sa Abril 12 upang talakayin ang ulat hinggil sa unang sinagawang digital bar examination.
Nakatakda naman ang panunumpa ng mga makakapasa sa Mayo 2 .
Matatandaan na halos dalawang taong naantala ang bar exam dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mga rehiyon.
Nasa 11,790 na ang nakapagbayad upang kumuha ng pagsusulit ngunit 11,378 lamang ang nakakuha .
Ayon pa kay Leonen, dati ay umaabot ng 5 hanggang 6 na buwan bago lumabas ang resulta ng Bar examination ngunit sa mga kumuha ngayong Pebrero ay mailalabas na ang resulta ngayong buwan ang Abril.