NASAGIP ang siyam na katao kabilang ang pitong batang nasa edad 12 hanggang 17 nang tumaob ang isang bangka dahil sa malakas na alon sa karagatan ng Barangay Tandu Bato sa bayan ng Luuk, Sulu.
Sa pahayag ni 11th Infantry Division commander Major General Ignatius Patrimonio na tumatayong lider ng Joint Task Force Sulu, kabilang sa mga nailigtas sa tumaob na bangka ang mga batang kinilala lamang sa pangalang Monisa, Sindah, Malia, Analiza, junaipa, Sarimah at Karina.
“Based on the report submitted by Col. Vincent Mark Anthony Blanco, Commander of the 4th Marine Brigade, they deployed immediately their rescue unit following an information from a concerned fisherman of the capsized boat off waters of Barangay Tandu Bato in the municipality of
Luuk, Sulu,” pahayag pa ni Maj. Gen. Patrimonio.
Sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na labis ang sakay ng naturang bangka nang pumalaot patungo sa Sitio Taindi ng Barangay Kan Mindus sa bayan ng Luuk. Ito rin ang nakikitang dahilan kung bakit agad na tumaob ang naturang sasakyang dagat nang hampasin ng malakas na alon.
Pawang nagpapagaling na sa Luuk District Hospital ang mga biktima.