BINAWIAN na ng buhay ang isang Filipino caregiver na nagtamo ng matinding pinsala sa isang missile attack sa Israel noong Hunyo 15, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Linggo.

Natukoy ng embahada ang biktimang si Leah Mosquera, 49, mula sa Negros Occidental, na kasalukuiyang nasa ospital sa Shamir Medical Center, at na tamaan ng Iranian missile ang kanyang apartment sa Rehovot, Israel noong Hunyo 15.

Sumailalim si Mosquera sa matinding operasyon at inilagay sa intensive care unit nang ilang linggo.

Sinabi ng DFA na ang pagpanaw ni Mosquera ay ipinaalam ng kanyang kapatid na babae, na isa ring overseas Filipino worker sa Israel.

“Ipinarating ng Departamento ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Ms. Mosquera,” sabi ng DFA.

Nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa mga awtoridad para sa agarang pagpapauwi ng mga labi ni Mosquera.

Pinasalamatan din ng DFA sa Israeli medical personnel na nag-aalaga kay Mosquera noong siya ay naospital, gayundin ang Filipino community sa Israel na sumuporta sa kanya at sa kanyang pamilya sa panahon ng pagsubok.

Humigit-kumulang 30,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Israel ayon sa DMW .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *