ILANG araw na lang nalalapit na ang kapaskuhan nakahanda na ang inaasahang pagdasa ng mga motoristang patungo sa katimugang bahagi ng bansa.
Inanunsyo ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na nakahanda na sa 10-15% ang itataas ng bilang ng mga motoristang babaybay sa kahabaan ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) , CAVITEX C5 LInk, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Dahil rito muling ipapatupad ng Metro Pacific Tollways South ang “Safe Trip Mo, Sagot Ko’ motorist assistance program na isinasagawa nito tuwing holiday peak seasons sa kanilang mga expressway.
Katuwang ito ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa pamamagitan ng operating subsidiary nito na PEA Tollways Corporation (PEATC).
Simula 6AM ng Disyembre 23 hanggang 6AM ng Disyembre 26, 2022 at 6AM ng Enero 1, 2023 hanggang Enero 6, 2023, magkakaroon ng libreng towing para sa mga masisiraang Class 1 vehicles tungo sa pinakamalapit na exit. Bukod sa 24/7 customer service, magdadgdag din ng mga karagdagang on-ground personnel gaya ng RFID lane assist, ambulant tellers sa cash lane, at mga traffic personnel. Nakastandby rin ang 24/7 emergency medical services at incident response team sa parehong expressway. pansamantalang ihihinto ang mga konstruksyon sa main line ng CAVITEX at CALAX, maliban na lang sa mga emergency road repairs.
Ngayong kapaskuhan, mamimigay rin ng aginaldo para sa mga motorista nito sa pamamagitan ng MPTC-wide raffle promo na ‘Download, Drive and Win’. Ang promo ay bukas para sa lahat ng individidual prepaid Class 1, 2, and 3 expressway users ng CAVITEX, CAVITEX C5 Link, CALAX, NLEX, SCTEX at CCLEX. Para makasali, kailangan lang idownload ng mga motorista ang MPT DriveHub app. Pagkatapos, upang makakuha ng puntos na katumbas ng raffle entry, kinakailangan lamang magreload gamit ang app, o mag-refer ng kakilala upang magdownload at gamitin ang MPT DriveHub app.
Dalawang maswerteng mananalo ang makakakuha ng brandd-new MG ZS, at sampu naman ang mananalo ng Php 100,000. Para sa kabuang mechanics, maaaring bumisita sa: https://www.mptdrivehub.com.ph/drivehub-ddw. Promo runs from November 11, 2022, to January 31, 2023.Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-155137 Series of 2022.
“Patuloy ang aming paniniguro na ligtas at maayos ang daraanan ng ating mga motorista buong taon, at kami ay nagpapasalamat sa kanilang pagtangkilik sa aming mga expressways. Sa raffle promong ‘Download, Drive, and Win’, nais naming makapagdagdag ng saya sa kanila ngayong yuletide season. Hangad rin namin na sa tulong nito, ay ma-enganyo silang siguruhin na may sapat silang balanse sa kanilang RFID kapag babyahe dahil mas pinadali na ang pag-reload at monitor ng kanilang load balance gamit ang MPT DriveHub App” ani MPT South President at General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.
Sa tulong ng MPT DriveHub app, mamomonitor ng mga motorista ang kanilang balanse at trasaksyon. Gayundin, maari silang magkalkula ng toll fee at magmonitor ng traffic condition sa mga MPTC toll roads. Maari din itong gamitin upang magbigay ng feedback o humingi ng roadside assitance.
Bukod sa Cavitex, CAVITEX C5 Link at CALAX, hawak rin ng MPTC rin ang pamamalakad sa North-Luzon Expressway (NLEX), Subic-CLark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.