APRUBADO na ng Department of trade and industry o DTI ang petisyon na taas presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Kasama sa tinaas ang presyo ng tinapay, delata, instant noodles, gatas, sabon at iba pa.
Sa suggested retail price o SRP , nasa P2 ang idinagdag sa tinapay o Pinoy Tasty, habang P1.50 naman ang itinaas ng isang supot ng bawat 10 piraso ng Pinoy Pandesal.
Pinahintulutan rin ng DTI ang P1.50 dagdag-presyo sa sardinas habang 50 sentimos naman sa instant noodles.
Umabot naman sa P2.25 naman ang dagdag-presyo sa 300-gram pouch ng powdered milk na nabibili na ngayon sa presyong P95.25 mula sa dating P93, habang P3.60 naman ang ipinataw sa 300-gram na lata ng evaporated milk na nagkakahalaga na ngayon ng P41 mula sa dating P3740.
Nagmahal na rin ang presyo ng kape na aabot saP 1.45 sa 28 gram pouch.
Sa mga susunod na araw , magtataas na rin ang presyo ng mga sabon, kandila at baterya.