LABIS-labis ang tuwa ng mga benipersaryo ng Aid to Individual in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong pinansyal na ipinagkaloob kahapon sa lungsod ng Calamba, Laguna .Naging pangunahing panauhin si Senator Bong Go kung saan ay namahagi rin ng mga foodpacks, nagparaffle ng sapatos, biskleta, mga laruang bola at cellphone. Masayang ibinahagi ni Go sa mga Lagunense ang pagkakaroon ng “Super Health Center” sa lungsod ng Calamba, nang sa gayon ay hindi na magtutungo pa sa Maynila ang mga nais magpagamot na may sakit. Nakiisa rin sa aktibidad sina Governor Ramil Hernandez, Vice-Governor Karen Agapay, Congresswoman Ruth Hernandez, at Calamba City Mayor Ross Rizal.