
ARESTADO ang apat sa pitong suspek sa operasyaon ng mga operatiba matapos matunton ang kanilang hide-out sa Laguna nitong araw ng Sabado.
Halos dalawang dekada ng nagtatago sa batas sina Jerry Valenzuela,43;Brian Balatian,41;na parehong construction worker Louie Balatian ,46 na isang sekyu at Hanny Villegas ;45 anyos na pawang mga residente ng Sta.Cruz, Laguna.
Ayon kay Laguna police director Col.Rogarth Campo ,kabilang ang mga suspek sa Most Wanted erson sa Regional level bilang 5,6,7 at 8 ang mga ito dahil sa pagpatay kay Ariel Ching noong Agosto 16,2003 .
Nasa kustodiya na ng Sta.Cruz Municipal Police Station ang mga suspek matapos ihain ang warrant of arrest na ibinaba ng korte laban sa kanila.
Ayon sa Chief of Police ng Sta.Cruz MPS Lt.Col. Paterno Damondon,ang tatlo sa pitong suspek ay g nauna naaresto sa pagpatay sa biktimang
Sa ngayon ay halos hawak na nila lahat ang suspek na pumatay kay Ching na siyang itinuro ng mga testigo.
Napatay si Ching dahil sa panggugulo sa kanilang festival sa Barangay 1 Poblacion dahil sa pagkalango nito sa alak.