
BUKAS inaaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Jenny.
Sa weather forecast ngayong araw, humina na ang bagyong Jenny habang lumalapit sa kalupaan ng Pilipinas kung saan namataan sa Hilagang -Silangan ng Itbayat , Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging may na lakas na 150 km/ hr at may bugso na umaabot sa 185 km /hr habang patuloy na kumikilos sa direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 10km/hr.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone no.3 sa sa Itbayat, Batanes,habang signal no.2 sa ibang bahagi ng Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Island.
Nakataas naman sa signal no.1 naman sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at Cagayan, Northern portion ng Apayao at Ilocos Norte,.
Sa paglabas ng bagyong Jenny ay maglalandfall naman ito sa bansang Taiwan .
Asahan na din na maaaring dumating pa ang 2 hanggang 3 bagyo pa ngayong buwan ng Oktubre habang nasa 5 hanggang 6 na bagyo pa bago matapos ang taong 2023.