
TIKLO ang isang Barangay Kagawad at driver nito sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA Batangas Provincial Office at PNP Provincial Drug Enforcement Group nitong Huwebes sa Purok 9, Barangay Balayong, Bauan, Batangas.
Ang mga naaresto ay nakilalang sina alias Ronald, 51, Barangay Official residente ng nabanggit na Barangay at alias Joseph, 45, driver, residente ng Barangay as-is, Bauan, Batangas.
Nakuha sa mga suspek ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang na 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang Php68,000.00, ibat ibang klase ng drug paraphernalia, at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, 12 and 15 Article II ng RA 9165 o ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga nahuli na ngaun ay nasa kostodiya na ng PDEA Region IV-A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.