
HULI ang isang balck American na wanted sa federal authorities ng U.S. ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa kasong drug trafficking.
Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang puganteng si Henry Watkins, kilala rin bilang “Tutu,” 51-anyos na American national.
Si Watkins ay inaresto noong Marso 18 sa kanyang tirahan sa Barangay Ubaliw, Polangui, Albay, ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.
Sinabi ni Viado na ang operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng U.S., na humingi ng tulong sa BI sa paghahanap at pagpapa-deport kay Watkins.
Kinumpirma ng mga awtoridad na si Watkins ay nasa listahan ng hinahanap ng U.S. Drug Enforcement Administration (DEA) dahil sa umano’y kaugnayan niya sa kilalang Sinaloa drug cartel sa Central America.
Isang U.S. District Court sa Northern Iowa ang naglabas ng warrant para sa pag-aresto sa kanya noong Pebrero 26, na large-scale drug trafficking at pamamahagi ng methamphetamine at heroin.
Si Watkins ay kilala rin sa paggamit ng karahasan upang mangolekta ng mga nalikom sa droga at nagsisilbi umanong enforcer para sa ‘Devil’s Disciples’ motorcycle gang sa Chicago, Illinois.