
NATUKLASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang PHP90 million halaga ng smuggled na asukal at sigarilyo sa International Container Port (MICP).
Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, 5 kargamento agad ang natuklasan sa isinagawang inspeksyon nitong Pebrero 17 matapos ang una niyang pagkakaupo bilang bagong hepe ng BOC.
Dumating ang mga containers noong Enero 5 ,2023 at Pebrero 12 ,2023 na naglalaman ng mga ilegal na produkto na tinatayang may halagang PHP90,442,850 mula sa bansang Hong Kong at bansang China.