NAHARANG kaagad ng Immigration sa NAIA ang isang convicted na Briton dahil sa kasong child pornography.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco si nakilala si Anthony collins, 42 anyos na isang registered sex offende(RSO) sa isang outright exclusion sa ilalim ng Philippine Immigration Act.
Agd na pinabalik ito sa kanyang pinanggalingan at isinailalim ng BI sa blacklist na undesirable aliens .
Ayon sa impormasyon ng Interpol’s National Central Bureau (INCB) ng Maynila, si Collins ay nahatulan sa Manchester , England dahil sa voyeurism at pagkuha ng indecent na larawan mula sa dalawang 16-anyosn na bata.
Base sa talaan ng BI nasa 130 na ang naitalang sex offenders ang kanilang na- intercept mula Enero nitong taong kasalukuyan.