KABILANG ang ating mga magsasaka ang lubos na tinamaan ng pandemya. Pinadapa rin nito ang kanilang pinagkukunang kabuhayan para sa kanilang pamilya.
Ang Ilan sa kanila ay mga nagtatanim ng kamoteng -kahoy na lamang bilang alternatibong panananim. Nang dumating ang corona virus,naging pahirapan sa kanila ang pagbebenta ng mga produktong ito dahil na rin sa marami ang nawalan ng trabaho kaya’t nagbawas din ng budget ang mga mamimili .
sa munting paraan ay naisipan ni Edna Mendita ng Calamba ,Laguna ang pagmalasakitan ang mga kapit-bahay na magsasaka .
Nagtapos siya ng kursong Food Technology sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos at namasukan sa iba’t-ibang kompanya.
Hanggang sa huminto siyang magtrabaho at nag-isip na lamang ng negosyo habang nasa bahay.
Noon pa man ay mayroon na siyang alam sa pagluluto nito marahil ay natutunan niya ito sa kanyang ina.
Nagpokus siya nitong taong 2020 nang dumating ang krisis dahil sa kailangan ng lahat na mapagkakaitaan. Marami man ang nagsulputang paninda sa social media ,pinaka mabenta pa rin ang pagkain.
Nagsimula siyang mamili ng mga sangkap at ilang kagamitan na gagamitin sa halagang 2,000 piso . Binili niya ang mga kamoteng-kahoy sa kanyang mga kapitbahay na magsasaka at gumawa ng cassava cake. Nakagawa siya ng 20pirasong cassava cake na binenta niya sa halagang 150 bawat isa sa kaniyang mga kapit-bahay at ilang kaibigan. Sinimulan na niya ang munting negosyo na tinawag niyang “ Prima Cassava”.Ang 200grams na cassava ay may halagang 60pesos habang ang 500gramo ay ma halagang 150 pesos.
Nagluluto siya isang beses isang linggo kahit lockdown. Tuloy-tuloy ang kanyang mga paorder dahil sa naging kilala na rin ang kanyang produkto .Katuwang rin niya ang ilang gustong magdagdag ng pagkakakitaan o mga re-seller .
Habang nagbebenta ay hindi siya humihinto na madagdagan ang kanyang kaalaman .
Upang mas mapahusay pa ang kanyang produkto ay lumalahok siya sa iba’t ibang seminar ng Department of Trade and Industry ng gobyerno. Isa na rito ang KAPATID MENTOR ME KME ,isang pagtuturo ng karagdagang kaalaman para sa mga Small and Medium sized Enterprises .
Malaki ang naibabahaging tulong ng kagawaran sa mga katulad niyang nagsisimula pa lamang sa negosyo.
Sumali siya sa bazaar sa mga mall kung saan ay nakapagbenta siya ng higit isang 100 piraso ng cassava cake sa loob ngdalawang linggo.Kahit lockdown ay hindi siya humihinto sa pagpapaorder ng mga paninda.Mayroon siyang mga re-seller na natutulungan rin kaya’t hindi lamang mga magsasaka ang kanyang natutulungan kundi pati na rin ang kanyang kapwa.
Hindi man siya kumita ng kalakihan sa kanyang produkto at sapat na rin naman ang makapag-pundar siya ng ilang kagamitan mula sa pagluluto ng cassava.Nakabili siya ng oven,freezer at ilan pang mga kagamitan sa pagluluto ng cassava.
Sa darating na kapaskuhan,mayroon silang proyekto sa kanilang simbahan na Christ Commission Fellowship CCF .
MAgbebenta sila ng 200-300 pirasong cassava na inilagay sa tin can na nagkakahalaga ng 200-250pesos.Ang kikitain roon ay ibibigay nila sa mga pasyenteng tinamaan ng Covid-19.
Ang munting negosyo ni Edna ay magbibigay ng inspirasyon sa bawat isa sa atin.Hindi lamang kita ang kanyang ninanais para sa kanyang pamilya kundi kalakip rin ang pagtulong sa kapwa na taos-pusong mayroon pagpapahalaga.