
TINULIGSA ng Commission on Human Rights ang dalawang kandidato sa lalawigan ng Laguna dahil sa pagsasayaw ng malaswa sa kandungang ng ilang kababaihan .
Ayon kay CHR spokesperson attorney Jacqueline Ann de Guia , nakuhaan ng video ang pagsasayaw nina Cabuyao councilor Tutti Caringal at Calamba Mayor Timmy Chipeco sa harapan ng maraming kababaihan.
Depensa ni Caringal , inaaliw lamang niya ang kanyang mga taga – suporta sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kandungan ng isang babae habang inalis pa ang facemask nito .
Nakuhaan rin ng video ang pagsasayaw na sinundan pa ni Chipeco na sumayaw rin sa kandungan ng isang babaeng naroroon.
“We condemn this incident as it is not only exploitative of women and demeans their inherent dignity, but it also debases the incumbent office, which the political aspirants hold,” pahayag pa kay De Guia .
Ayon pa sa kanya, hindi nararapat na ginagawang pang-aliw ang kababaihan upang makasungit lang ng kanilang boto.
Maging ang health protocols ay nilabag rin nila dahil hindi pa tapos ang pandemya, dagdag pa nito.
Gayunpaman, naglabas ng pahayag ng dalawang pulitiko na walang malaswa sa kanilang ginawa dahil sila ay nagsasaya lamang sa kapanya.
“It was a joyous event. Nothing malicious, Walang nabastos,”ayon pa kay Chipeco.
“If you watch the video closely, it was pure fun. Kung may na-violate doon, hindi magiging gan’un ang reaksyon ng tao, the crowd or even the person involved,” sinabi naman ni Caringal.
Si Chipeco ay tumatakbo sa posisyong pagka- kongresista ng 2nd district ng Laguna habang si Caringal naman ay posisyon ng Board member.