KUMPYANSA ang Commission on Elections (Comelec) na walang anumang power outrage na magaganap sa mismong araw ng halalan sa Mayo.
Pagtitiyak ni Director James Jimenez na tumatayong tagapagsalita ng Comelec, patuloy na nakikipag-ugnayan ang poll body sa mga major power suppliers, electric cooperatives at sa National Grid Corporation para siguruhing walang anumang aberyang magaganap mula sa pagbubukas ng mga polling precincts hanggang sa matapos ang transmittal ng mga boto sa main server ng komisyon.
“These are foreseeable so what we’re doing now is we’re putting together a group, a working group with the Comelec and the different power producers in the country. And one of the first steps, of course, is we will provide them with a calendar of the critical periods or critical points of the election process. So if ever they’re going to schedule power interruptions like maintenance breaks or things like that, they will know to avoid those critical moments,” saad ni Jimenez sa isang panayam sa telebisyon.
Gayunpaman, may mga insidente aniyang hindi maiiwasan, bagay na magkakatuwang na pinaghahandaan ng mga power distributors sa hangaring kagyat na maibalik ang suplay ng kuryente.
“We are in coordination with these different power producers and so we’re able to scramble resources immediately if and when it becomes necessary. Hindi natin madi-discount yung possibility na may matutumbang linya or may magda-down na grid. We are coordinating with them so that we can respond to that very quickly.
”Kabilang din sa kanilang contingency measures ay ang pagtatalaga ng mga power generators sa mga kritikal na lugar sa iba’t ibang panig ng bansa.