PATUNAY na pababa nang pababa ang mga residenteng nagkakasakit sa lalawigan ng Batangas kung saan ay mayroong 45.4% ang Covid-19 bed occupancy rate sa mga pampubliko at pribadong ospital, ayon sa ulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta.
Nabakante na mula noong Enero 28 ang 418 mga kama habang 347 na lamang ang occupied beds, kumpara noong nakalipas na Enero 22 kung saan mayroong 363 na bakanteng kama at 445 naman ang occupied beds.
Maging ang bilang ng mga nasa ICU beds ay nasa 29 o 35.80%,243 o 53.29% na isolation beds at 179 o 64.62% na ward beds ang nananatiling bakante, habang 57 o 82.61% naman ang bakanteng mechanical ventilators.
Bagama’t pababa na ang mga bilang ng mga nagkakasakit, patuloy pa rin ang paalala ng lokal na pamahalaan na sundin pa rin ang health protocols and guidelines.
Hinihikayat din ang mga indibidwal na magpabakuna na upang maabot ang herd immunity .