ARESTADO ang lider ng criminal group niong Lunes sa Bgy. Maloma, San Felipe, Zambales.
Natukoy ng pulisya si Raymond Lorenzana alias “Emon,” 39, na residente ng Bgy. Piaod, San Ildefonso, Bulacan.
Sinabi ng Zambales police na si Lorenzana ang lider ng kilalang Lorenzana Crime Group na sangkot sa pagpatay, gun-for-hire, pagbebenta ng ilegal na droga, at robbery-holdup sa Bulacan at mga karatig na probinsya sa Central Luzon.
Naaresto ang suspek batay sa dalawang warrant of arrest para sa pagpatay na inisyu ng Regional Trial Court Branch 81 at 82 ng Lungsod ng Malolos, Bulacan, na walang piyansang inirekomenda.
Nahuli si Lorenzana ng isang tracker team ng Provincial Intelligence Unit-Bulacan police, kasama ang mga tauhan ng San Felipe Police Station, PIU Zambales, at ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 3.