PINAGKALOOBAN ng Department of Agriculture CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Livestock Program ang Siniloan National Highschool ng mga free-range chicken o Dekalb Brown Hens na makatutulong sa mga guro mas epektibong pag-aaral ng ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan. Tinanggap ito ni Mr. Ronald Alidio, propesor ng nasabing paaralan, ang nasa 35 Dekalb brown hens na kilala bilang masipag mangitlog na lahi ng manok pinanggagalingan ng mga fertilized egg at nagtataglay ng mataas na nutrient content. Gagamitin ng mga mag-aaral ang mga manok sa pagsasaliksik patungkol sa produksyon at pag-aalaga ng mga ito.