NAG-IKOT ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) upang subaybayang ang mga presyo at mapanatili ang mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
Nagsagawa ang dalawang ahesiya ng pagbisita sa, sa San Andres Market sa Malate, Manila ngayong araw, Oktubre 21, 2024.
Ayon sa DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS), ang mga presyo ay dapat na nasa standard o normal range sa mga pamilihan sa National Capital Region , ito ay ang mga sumusunod:
• Shrimp (Hipon) – ₱500/kilo
• Round scad (Galunggong) – ₱240/kilo
• Mackerel (Alumahan) – ₱280/kilo
• Well-milled local rice – ₱50/kilo
• Premium grade local rice – ₱53/kilo
• Special rice – ₱65/kilo
• Cabbage – ₱100/kilo
• Tomatoes (Kamatis) – ₱130/kilo
• Eggs – ₱8.50/piece or ₱102 per dozen
• Porkchop – ₱340/kilo
• Liempo – ₱380/kilo
Pinayuhan ng DTI ang mga nagbebenta sa pamilihan na tiyakin na ang mga presyo ay malinaw na nakasulat at madaling makita ng mga mamimili.
Idinagdag din ng DA-AMAS na magpapatuloy ang mga pagbisita sa pamilihan hanggang sa Enero ng susunod na taon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga presyo ng mga pangunahing kalakal sa mga pamilihan sa NCR, bisitahin ang DA Bantay Presyo website sa http://www.bantaypresyo.da.gov.ph/ o ang Facebook page sa https://www.facebook.com/dabantaypresyoncr.