NAMAHAGI ng P5,000 ang Department of Agriculture Region IV-A (DA-4A) sa mga maliliit na magsasaka ng palay mula sa bayan ng Majayjay at Liliw, Laguna sa pamamagitan ng patuloy na implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Farmer Financial Assistance (RCEF- RFFA) .
Aabot sa 270 na magsasaka, 134 mula liliw at 136 mula Majayjay, ang tumanggap ng nasabing ayuda. Sa kabuuan ay nakapamahagi ang DA-4A ng P1,350,000.00 na cash assistance para sa mga magsasaka ng naturang mga bayan.
“Hindi lamang ito basta pera kasi ito ay pang dugtong sa aking kabuhayan lalo na at ganitong nasa panahon tayo ng pandemya. Maraming salamat at may mga ganitong programa pala ang ating gobyerno,” ani G. Deonisio Arcenal, isa sa mga magsasaka nakatanggap ng ayuda mula sa RCEF-RFFA.