NAGLABAS ng datos ang Department of Health Calabarzon kung saan 77 porsyento na ang residenteng nakakumpleto ng bakuna sa buong rehiyon.
Sa pinakahuling talaan nitong Pebrero 2, mayroong 9,021,712 ang fully vaccinated na kontra Covid-19.
Habang ang nakakamit ng booster shots ay nasa 1,308,146 indibidwal.
Umaabot naman sa 19,272,348 doses na ang naipamahagi sa mga nagpabakuna. Pinakamarami ang nabakunahan sa lalawigan ng Laguna na umabot sa 84% o 2,575,709 indibidwal ang nabigyan na ng bakuna.
Sumunod ang Batangas na may 83% o 2,007,667;Lucena City 80% o 162,160; Cavite 79% o 1,765,493 at Rizal 72% o 1,676,064.
Inaasahang malapit nang makakamit na ang herd immunity sa rehiyon sa mga darating na araw.