SA gitna ng pitong dikit na taas-presyo sa produktong petrolyo sa merkado, isang hamon ang ipina-abot ng isang militanteng grupo sa Pangulong Rodrigo Duterte – maglabas ng isang executive order na oobliga sa mga kumpanya ng langis na ilbas ang kanilang oil pricing method.
Giit ni dating Rep. Ariel Casilao ng grupong Anakpawis, higit na marapat na isailalim na sa gobyerno ang control sa presyo ng langis bilang proteksyon sa mga pamamaraan sa pagkukwenta ng ipinapataw na umento sa mga konsyumer.
“For the best interest of the public and in the name of transparency, we dare the Duterte government to compel big-time oil cartels to have their books of accounts opened for public scrutiny especially on their practices of oil overpricing and other forms of pricing manipulation,” ani Casilao.
Sa pamamamagitan aniya ito, makokontrol ng gobyerno ang presyo ng langis na lingguhang itinataas ng mga kumpanya ng langis – dahilan kung bakit apektado maging ang iba pang produkto sa merkado.
Sa gayong paraan, malalaman aniya ng pamahalaan kung may overpricing sa presyong takda sa mga produktong petrolyo ng mga oil companies kabilang ang tinaguriang “big three” na binubuo ng Petron, Shell at Chevron.
“It would only take less than a day for the government to issue an executive order compelling big-time oil companies to specify in details their processes of price increases and impose a price control subsequently,” dagdag pa niya. Nito lamang nakaraang Martes, muling nagpataw ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis – ikapitong dikit mula Enero.
Hamon pa ni Casilao kay Duterte – manindigan at protektahan ang interes ng masa at hindi ng mga ganid na kapitalista.
“All it would take is President Duterte’s strong and determined political will to safeguard the public interest against corporate greed and exploitation of oil monopolies.”