
ISANG civil engineering graduate ang inaresto ng mga operatiba ng anti-narcotics sa isang drug buy-bust operation sa Bulacan noong Biyernes.
Nahuli si Victor Ng, 35, residente ng Bgy. Poblacion, Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan.
Isinagawa ang entrapment operation ng mga miyembro ng San Jose Del Monte City Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kumpiskado kay Ng ang isang plastic sachet ng marijuana, isang plastic container na naglalaman ng dried marijuana, dalawang pakete ng rolled dried marijuana na nakabalot sa puti/yellow plastic at clean wrap, isa pang pakete ng rolled dried marijuana na nakabalot sa yellow packaging tape at clean wrap, siyam na rolled transparent na self-locked na plastic, isang digital weighing scale, at ang buy-bust money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek.