HINATULAN ng Sandigang bayan ng sampung taong pagkakakulong ang isang alkalde at mga opisyal dahil sa paglilipat umano ng P20 Milyong pondo sa isang kooperatiba
Napatunayan “guilt beyond resonable doubt“ sa kasong graft na isinampa na 15 taon na nakakalipas
Sa rekord ng husgado, lumalabas na magkakasabwat sina Martinez, Verdida, Mingues at Ursonal sa paglilipat ng P20 milyong pondong nakalaan sa agrikultura sa isang pribadong kooopertibang nagpapautang ng may kalakip na tubo.
Ayon sa Sandiganbayan, nag-ugat ang asunto bunsod ng ginawang paglilipat ng pondo ng munisipyo aa Bogo Municipal Employees Multi-Purpose Cooperative (BMEMPC) na itinaguyod sa layuning na magbigay agapay sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor sa ilalim ng programang Ginintuang Agrikulturang Makamasa (GAM).
Lumalabas din na maging ang isinakdal na dating alkalde, nagawang umutang ng malaking halaga sa pinaborang kooperatiba.
Bukod sa 10 taong pagkakabilanggo, diskwalipikado na rin sa anumang posisyon sa gobyerno ang mga nahatulang indibidwal.