UMARANGKADA na ang face to face classes sa 304 pampublikong paaralan ngayon, Pebrero 7, sa mga lugar na nasa alert level 2.
Inianunsiyo ng Department of Education DepEd noong nakaraang Biyernes na nasa 6,347 pampublikong paaralan ang sumailalim at nakapasa sa assessment ng ahensya.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma ang mga inaprubahan lamang na paaralan ang magsasagawa ng limitadong face-to-face classes kabilang ang 12 public schools na magmumula sa Rehiyon 2; 106 sa Rehiyon 3; 54 sa Rehiyon 4-A; 9 sa Rehiyon VII at 123 naman sa NCR.
Inaasahang tanging mga guro at mag-aaral na may kumpletong bakuna lamang ang lalahok sa pagbubukas ng f2f classes.