
NAGBALIK paaralan na ang mga mag-aaral na nasa Kindergarten hanggang Grade 3 sa Long Parang Elementary School sa lalawigan ng Rizal nitong nakaraang Lunes .
Pinaghahandaan na rin ng mga guro at ang Binangonan Sub-Office ang susunod na batch na limited face-to-face classes sa susunod na Linggo.
Inumpisahan na rin sumali ang nasa 331 estudyante mula Kinder hanggaang Grade 6 sa alternative scheme ng Kalinawan Elementary School.
Umabot na sa 19 na paaralan sa Rizal ang nakilahok sa limited face-to-face classes.
Sinisigurado naman paaralan na patuloy na susundin ang mga safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF at Department of Health (DOH).