Aarangkada na ang Department of Education (DepEd) ng Rizal para sa muling pagbubukas ng piling paaralan sa lalawigan para sa limited face-to-face classes.
Anim na paaralan na sakop ng Binangonan Sub-Office ang bubuksan para sa expanded limited face-to-face classes.
Aprubado na rin ang muling pagbubukas para sa limited face-to-face classes ang pitong eskwelahan sa mga bayan ng Cainta, Baras, at Tanay.
Kabilang rin ang mga Sub-Office ng Cardona, Jalajala, Rodriguez at Morong kung saan isang eskwelahan bawat bayan ang muling magpapatupad ng in-person classes.