
KULUNGAN ang bagsak ng isang 54-anyos na construction worker makaraang pagsasksakin ng ice pick ang fish vendor noong Linggo ng umaga sa Barangay San Vicente, Santo Tomas, Batangas .
Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte ang suspek bilang si Ronald Padilla y Tagle na naninirahan sa bayang ito.
Base sa imbestigasyon, agad na inundayan ng saksak ng ice pick ng suspek ang biktimang si Herman Moreno y Aquino, 43 taong gulang na residente ng Santo Tomas, Batangas
Sa di malinaw na dahilan nagpambuno ang dalawa hanggang sa mauwi sa saksakan . Agad namang inawat ito ng security guard ngunit nasugatan na sa kaliwang bahagi ng braso ang biktima.
Agad naIsinugod sa St. Cabrini Hospital si Padilla habang dinala naman ng gwardya ang suspek sa Santo Tomas City Police Station.