
AGAD na inalis na ng Philippine Coast Guard ang floating barrier na inilagay ng mga Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc matapos na ipag-utos mismo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na alisin ang mga ito.
Ayon sa PCG , kaagad na nagsagawa ng special operation para putulin ang mga lubid sa floating barrier.
Malinaw aniyang paglabag ito sa international law at soberenya ng Pilipinas ang pagbabakod sa Scaborough Shoal at maging pagkakait sa mga Pilipino sa sariling teritoryo na mangisda.
Kinatigan ng 2016 Arbitral Award ang BDM bilang isang tradisyunan na fishing ground ng mga lokal na mangingisda roon.