
SINUSPINDI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Teofilo Guadiz III matapos ang alegasyong korupsyon sa kanyang ahensiya..
Sa pahayag ng Presidential Communications Office o PCO ngayong Lunes sinabi nito “The president does not tolerate a na ny misconduct in his administration and has instructed the immediate investigation of this matter. He strongly condemns dishonesty and duplicity in public service,”.
Ginanap naman kaninang umaga ang presscon ng Transport group na Manibela sa pangunguna ni Mar Valbuena kasama nito si Jefferson Tumbado na dating executive assistant ni Guadiz kung saan di-umano’y nagaganap na korapsyon sa ahesya.
Papatunayan at ihahayag ni Tumabado kapag naisampa n aniya ang kasong graft and corruption sa Ombudsman ng mga sangkot na tao .
Isang nationwide transport strike ang gagawin ng grupong Manibela sa darating na Lunes , October 16.
At masusundan pa ng mga sunod-sunod na kilos protesta sa mga darating pang linggo.
Samantala, sa inilabas na pahayag naman ng Department of Transportation DOTR na magsasagawa ang kanilang ahensiya ng imbestigasyon hinggil sa mga alegasyon ng korapsyon na umaabot umano hanggang Malacanang.