
SA isang pagtitipon kamakailan sa Calamba City, Laguna, ipinaliwanag ni Congresswoman Dr. Mildred V. Vitangcol, unang nominado ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist, ang mission at vision ng kanilang grupo sa harap ng mahigit 150 na mga lider mula sa iba’t-ibang bayan ng Laguna at Batangas.
Ang H.E.L.P., na nangangahulugang *Health, Education, and Livelihood Programs*, ay patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga makabuluhan at konkretong programa. Layunin nitong magtaguyod ng mas madaling ma-access na serbisyong publiko at magpatupad ng mga batas na direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.
Si Dr. Vitangcol, isang espesyalista sa Gastroenterology, ay kilala rin bilang pilantropo at tagapagtaguyod ng komunidad. Bilang Tagapagtatag ng H.E.L.P. Pilipinas Partylist, siya ay aktibong kasapi ng mga civic organizations tulad ng Rotary, Innerwheel, at Zonta, na sumasalamin sa kanyang panghabambuhay na dedikasyon sa serbisyo.
Bago ang kanyang pagreretiro noong 2022, nagsilbi siya bilang ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ, ๐๐๐ข, ๐ฎ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฆ๐. ๐ฃ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ถ๐ณ๐ฒ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป. Ang kanyang visionary leadership ay nagbigay sa kanya ng pandaigdigang pagkilala bilang isa sa mga ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ฌ๐๐ง๐๐ ๐๐ค๐ข๐๐ฃ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐ง๐ก๐.
.
Sa kanyang karera, pinangunahan niya ang mga programang nakatuon sa kalusugan ng mga ina at bata, edukasyon ng kabataan, proteksyon sa kalikasan, at malinis na tubig. Ang kanyang adbokasiya ay umaabot din sa mga organisasyong tulad ng Physicians for Peace at Operation Smile, na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga marginalized na komunidad.
Kung mahalal, nangako si Dr. Vitangcol na palalawakin pa ang serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan sa buong bansa. Aniya, *”Ang aming layunin ay mag-iwan ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga tao sa pamamagitan ng tunay na serbisyo at makabuluhang pamumuno