DUMAGSA na ang mga turista na aabot sa 13,000 simula kahapon , ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ng tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval inaasahan na ang mga pagdating nito lalo na ngayong tag-init.
“When April 1 hit, with almost pre-pandemic visa policies, our total arrivals reached 13,525 individuals,” saad nya sa Laging Handa briefing.
Nasa 90 porsyento ang paparating sa Ninoy Aquino International Airport.
“Majority (of those who arrived) were Filipinos while around 30 percent were foreign nationals,”dagdag pa niya.
Simula kahapon Abril 1, pinapayagan na ang mga dayuhan na pumasok sa bansa kahit na walang mga exemption na dokumento.