SA pagtatapos ng buwan ng Enero naitala ang 26,458 ang aktibong kaso ng nagkasakit ng COvid-19 sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon ito sa pinaka huling datos na inilabas ng department of Health 4-A nitong araw ng Enero 1. Nasa 1,002 ang bagong kaso habang 2,068 ang mga nakarekober o gumaling sa sakit at 15 katao naman ang binawian ng buhay.
Sa lalawigan ng Cavite naitala ang 10,703 aktibong kaso,habang 149 ang naidagdag na mga nagkakasakit.
Sumunod ang lalawigan ng Laguna kung saan mayroong 7,881 aktibong kaso ng corona virus habang 172 ang naidagdag; sunod ang Rizal na may 3,464 active cases at 259 ang new cases; Batangas 3,085 active cases, 321 ang new cases, Quezon 1,257 active cases, 90 ang new cases; Lucena City, 68 active cases, 11 ang new cases.
Samantala,inilagay naman sa alert level 2 status ang lalawigan ng Cavite at Rizal simula Pebrero 1 hanggang 15. Mananatili naman sa alert level 3 status ang mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Quezon.