UMAABOT na sa higit 8,000 Pilipino ang nakaabot ng edad na 100 taong gulang o centenarian ang nabigyan ng pamahalaan ng tig-P100,000 insentibo.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula nang maipasa ang Republic Act 10868 o ang Centenarians Act of 2016, nasa 8,568 indibidwal ang nakatanggap nito.
Base sa inilabas na datos noong 2016, nasa 2,739 centenarians ang nakatanggap ng P100,000 cash; 940 noong 2017; 1,509 noong taong 2018; 1,090 noong taong 2019; 985 noong taong 2020 at 1,305 nitong nakaraang taong 2021.
Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng isang Felicitation Letter mula sa Pangulo.